Philippine Consulate General in Miami > Honorary Philippine Consulate in Miami >> About the Philippines >> The President >> Speeches

Speeches

11/03/2011: Statement of President Benigno S. Aquino III on Japan earthquake

Nakita po natin ang effect ng nangyaring lindol sa Hilagang Silangang bahagi ng Japan at mulat po tayo sa peligrong maaaring idulot nito sa mga baybaying ng atin pong bansa. Hinihiling po natin ang hinahon sa ating mga kababayan. Gawin nating organisado ang ating mga kilos at makipag-ugnayan at makipagtulungan po tayo sa ating mga otoridad.

Paghandaan po natin ang anumang pinsala na maaaring idulot ng isang tsunami sa atin pong mga komunidad. Nakausap ko na po ang mga Kalihim ng mga ahensya tulad ng DND, DILG, DOST, at pati po ang Executive Secretary at iba pa. Inatasan ko na po sila na ibahagi sa publiko ang anumang impormasyon na makakalap nila. Kasalukuyan po silang nagpupulong upang pag-usapan ang mga hakbangin na gagawin pa natin.

Seryosohin po sana natin ang kanilang mga babala at alituntunin. Ang NDRRMC, siya po ang magbibigay ng mga detalye ng hakbang na ginagawa ng atin pong gobyerno. Makakauwi na po kami sa loob ng ilang oras. Harinawa po ay maiwasan natin ang pinsala at pati na rin po ang Embassy natin sa Japan ay nakausap na natin. Mayroon pong disruption sa communication sa Tokyo at naghihintay tayo ng mga karagdagang impormasyon.

Maraming salamat po.